A Prayer from Mang Caloy On February 3, 2014 12:10P.M.
Ama naming may lalang ng lahat. Diyos ng pag-ibig at Diyos na banal. Sinasamba Ka namin at pinasasalamatan sa mga kaloob Mong grasya at ng kalakasan.
Dito po sa aming sama-samang pagdarasal ay alay po namin sa apat naming kasamahan na kamakailan lang po ay sunod-sunod na pumanaw. Kung anuman po sana ang kanilang pagkakasala at mga pagkukulang patawarin po ninyo sila Ama at dalhin sa Inyong kaharian.
At sa kanilang mga kamag-anak at mga mahal sa buhay, patuloy po Ninyo silang gabayan at pagkalooban ng mga pangangailangan sa buhay.
Dama po namin Ama kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, nataon pa naman po, wala na kaming Group Life Insurance, kaya naman po maituturing na doble dagok sa pamilyang naiwanan, na dapat po sana ay may matatanggap na halaga kung di lamang napagkaitan ng nasabing Insurance.
Hiling din po namin, Ama dito sa aming sama-samang pagdarasal na magkaroon po kami ng sapat na pang-unawa at karunungan upang maunawan naming lubos ang mga nararanasan namin ngayon na nagdudulot ng kalituhan.
Nalilito po kami Ama sa sinasabi nilang "moratorium" na siyang tanging buod ng R.A. 10149, maging sa taguring "status quo". Sa amin pong munting pagka-unawa Ama, ito ay sa usaping walang madadagdag at walang mababawasan sa mga benepisyong dugo at pagsisikap ang aming punuhunan.
Taliwas po ito Ama, sa aming nararanasan ngayon. Ang lehitimong CBA namin ay mistulang di na iginagalang dahil sa mga tahasang paglabag sa mga mahalagang probisyon nito. Isa na nga po Ama ang pagtanggal sa aming Group Life Insurance.
Sa unang buwan po nitong 2014 ay nagpatupad ng pagbabago kung saan may mga Departments na binuwag at may mga Offices na ginawang Departments. Ito daw po Ama ay sa lalo pang ikabubuti ng lahat. Natapos na ang buwan ng Enero ay kung bakit wala pa ring malinaw na detalye sa naumpisahang pagbalasa o pagbabago. Tulungan Mo po kami Ama na aming mapagtanto ang tunay na layunin sa paglikha ng isang department na dalawa ang Managers at apat ang mga Assistant Managers, na sa ibang Department na dating may Manager, hanggang ngayon ay wala pang Manager na ipinapalit o itinatalaga dito.
Hanggang kailan po kaya namin ito mararanasan Ama? Maawa na po Kayo sa amin at bigyan Ninyo po ang mga namumuno ng aming Korporasyon ng tunay na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa aming mga karapatan.
Patuloy po Ninyong gabayan ang bawat isa sa amin at turuan ng naaayon sa Inyong Kalooban.
Ang lahat pong ito Ama ay aming itinataas sa mahal na pangalan ng Inyong bugtong na Anak na aming Panginoon.
AMEN! AMEN! AMEN!

No comments:
Post a Comment